Ang Pagtuklas sa Nakaraan
TRIP TO MALOLOS...
Isang masayang paglalakbay ang naranasan ko noong Setyembre 17, 2013. Unang destinasyon ang makasaysayang Barasoain Church na matatagpuan sa bayan ng Malolos. Sabik ko ng makita ang makasaysayang simbahan na ito, sa sasakyan palang nag iniisip na ako kung ano ba ang itsura ng makasaysayang simbahan na ito. Kahit malayo ang byahe masaya pa din dahil nabusog ang mata ko sa magagandang tanawin sa bayan ng Malolos, tinungo din namin ang mga lumang bahay sa Kamistisuhan Street na kung saan matatagpuan ang mga lumang bahay. Halakhakan na may kasamang tawanan ang nangyari noong araw na iyon.
First Destination Barasoain Church
 |
| Barasoain Church |
Itinayo noong: Setyembre 15, 1898
Uri ng arkitektura: Church
Istilo ng arkitektura: Neo-classic
Ang simbahang ito'y siyang ginawang lipunan ng CONGRESO REVOLUCIONARIO na pinasinayaan noong ikaw 15 ng Setyembre 1898. Si Pedro A. Paterno ang naging pangulo. Dito rin pinagtalunan at pinag-tibay, bukod sa iba't ibang panukala, ang CONSTITUCION DE MALOLOS.
Bilang pagkilala sa dakilang kahulugan ng mga bagay na dito'y nangyari. Ang Unibersidad ng Pilipinas ay naglakbay dito aat inilagay ang tandang ito ngayong araw ng mga bayani ng bansa, ika-30 ng Nobyembre ng taon ng ating Panginoon. 1938, at ika 4 naman ng Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas.
Mga parte ng simbahan na aming napuntahan at nakuhaan ng larawan:
Convento
 |
Matatagpuan ito sa may parteng likod ng simbahan Ang kumbento ay isang gusaling tinitirhan ng mga Katolikong pari o madre.
Tusukan ng Kandila
 |
Matatagpuan ito sa may kaliwang bahagi ng simbahan kapag nasa harap ka mismo ng Barasoain Church.
Front Door
Ang mapapansin dito ay mayroon syang mga ukit sa pinaka pinto nya
ito ang nag bibigay atensyon sa mga tao para mapansin ang pinto.
Side Door
Matatagpuan ito sa may kaliwang bahagi ng simbahan malapit ito sa may tusukan ng kandila,
ginagamit ito upang maging labasan ng mga tao pagkatapos ng simba.
Adoration Chapel
Makikita ito sa harapang bahagi ng simbahan.
Ito ay isang lugar na nakalaan para sa pagasamba kay Hesukristo.
Bahay Dasalan
Malapit ito sa may tusukan ng kandila.
Makikita dito yung imahe ni Hesukristo na nasa loob ng salamin.
Kampanaryo
Kahit matanda na ang pagkakatayo ng simabahan na ito, makikita pa rin ang ganda nito.
Bukod sa mataas at talagang luma na isa ito sa nakapukaw ng pansin sa akin.
Hagdanan sa Loob Ng Convento
Ito ay matatagpuan sa loob ng convento.
Yari ito sa kahoy, pag bukas ko ng pinto ito agad ang tumambad sa akin.
Napakaganda talaga nito.
Idagidag Ko na din ang sasakyan ni Gen. Emilio Aguinaldo
Mga bahay na luma na matatagpuan sa Kamistisuhan Street sa Bayan ng Malolos
Makikita dito ang mga sinaunang bahay na matagal ng panahong nakatayo. Sa street na ito makikita ang nag tataasang bahay na yari sa kahoy at bato, mabubusog ang mga mata mo sa pag punta dito. Sayang nga lang at di namin napasok ang loob ng mga bahay na ito sa kadahilang wala ng nakatira sa dito, kaya ang mga nakuhanan kong bahay ay puro harap lamang. Pero kahit ganoon masaya pa din dahil bibihira akong makakita ng mga bahay na halos daang taon na nakatayo pero eto at na preserve pa rin nila ang itsura nito.
Ang Sarap Talagang Balikan
Talagang napakasaya ng araw na iyon, parang bumalik ako sa nakaraan, dati sa likod lamang ng sampung pisong papel nakikita ang simbahan na ito ngayon ay eto nasa harap ko na talagang napakasaya ko . Maraming bagay kong natuklasan sa pag lilibot ko sa bayan ng Malolos. Masaya ako dahil dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari na naganap sa Pilipinas. Una ay ang ang pagpupulong ng Unang Kongreso ng Pilipinas noong Setyembre 15, 1898, pangalawa naman ay ang pagbalangkas sa Konstitusyon ng Malolos mula noong Setyembre 29, 1898 hanggang Enero 21, 1899, at ang huli ay pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 23, 1899. Di lang mga mata ko ang nabusog pati ang aking kaisipan, ang sarap talagang balikan ng mga nakaraan... :)
ITO ANG ISA SA MGA EXPERIENCE NA DI KO MAKAKALIMUTAN...
|
|
this is good. i noticed there are no pictures inside the church. why?
TumugonBurahin